Dalawang dekada at walong taon....
Lumipas dala ang taglay na pag-asa at panalangin maging tagumpay sa pagtahak sa masalimuot na buhay. Sa bawat yugto at bawat hakbang sa baitang ng buhay inaasang kinabukasan ang makamtan.
Ika-apat na bahagi ng isang dekada maraming magaganda at di ka-aya ayang pagsubok and nagyari. Sa bawat taong lumipas ibat-ibang karanasan. Naroong sumabay ako sa hampas ng hangin sa dalampasinga. Mahirap at masalimuot ngunit me pagmamalaki dahil sa karanasang ito'y naging matatag ako sa saliw ng buhay. Maging sa pamilya, kaibigan, pag-ibig ay naging matatag sa hamong tinatahak.
Laking pasasalamat ko sa Panginoon, sapagkat biniyayaan ako ng isang Pamilyang sandigan ko sa oras ng pangangailangan, pinansyal, spiritual, na aspeto at sa palinang nila sa aking kamalayan maging mabuting nilalang na may paninindigan.
Mahal kung MAMA…..
Salamat aking mahal na ina dahil nasilayan ako ang ganda ng mundong aking ginagalawan. Sa pag-aaruga at pag-unawa sa mga kamalian nagawa sa lumipas na panahon at lalo na sa tiwalang pinagkaloob nyo sa akin..
“Mama, ikaw po ang buhay ko… Samalat sa matibay na tungkod naming magkakapatid. Ang tibay ng iyong pinamalas, kami’y sumasaludo sa taglay mong kataingian. Salamat pos a buhay at sa pagsilang mo sakin sa mundong ito.
Masakit mang isipin na ang kabiyak at sandigan mo sa buhay ay lumisan ngunit isa kang huwarang ina dahil kahit sa unos ng buhay ikaw ay naging matibay naming sandigan upnag makayanan naming ang pagsubok na ito
“Mama, sa iyong pagiging matibay at katatagan ng look ikaw ay dakila..”
Sa pagbukas ng aming mga labi namumutawi ang mga katagan “ Mahal ka naming MAMA”Kay saying balikan panahon ng kamusmusan, Ang pagtatampisaw sa ulan at ang mga laro ng musmus nab a. Ngunit kay bilis ng panahon ang simpleng batang puno ng pangarap unti-unting hinahakbang ang mga paa sa hagdan ng kanyang imahinasyon, ambisyon at pangarap. Akay ng ama’t ina patungo sa pagsisimula sa byahe ng buhay. Puno ng pangaral sa realidad ng buhay.
Sa paglipas ng panahon namulat ako sa pangaral ng aking AMA. Pinagsikapang maabot ang kayang ambisyon at pangarap nya sa akin. Di pa man lang nakakamit ang diploma pinaghihirapan. Lumisan ang taong isang matibay na sandigan ng pamilya ang haligi na naglinang sa musmus na kamalayan.
Kay pait ng karanasan na sa ika-apat na bahagi ng isang dekada ang pagkawala ng isang matibay na sandigan. Ang amang puno ng pangaral sa kanynag tatlong supling. SA paglisan ng AMA kay lunkot balikan hindi man lang nya nasilayan ang hakbang ng bunso niyang anak sa tagumpay at ang diplomang pinangako, sa apat na taong pagsusumikap na ang matagal ng inaasam ng AMA puno ng pangarap sa kanyang mga anak ay nakamit na.
“TATAY, alay ko sayo ang tagumbay na aking narrating na sa ngayon. Puno parin ng pagasang matatagdagan pa ang mga ito. Dahil ikaw ang nagturo sa aking mangarap at kamitin ang tagumbay. Ang iyong pagtitiwala sa simula pa lamang ay ang naging susi ko sa pagtahak ko sa susunod na mga panahon. Ikaw ang naghubog at naglinang sakin para mangarap”.
Nakakapanabik ang kanyang mga yakap, halik at ang hele sa bawat araw na ikay naglalambing at lalo na ang pangaral ng AMA.
“TATAY, patawad po at hindi ko man lang naibigay at naipamahagi sayo ang naging tagumbay ko ngayon sa buhay. Tatay, san ka man. Sana’y patuloy mo kaming gabayan. Mahal Po naming ikaw… Ang idolohiya at matibay na kapit sa maykapal at ang mga itinuro mo pangaran ay aming babaunin sa aming Pagtanda.. TATAY mahal ka naming at salamat sa maayos na buhay na ibinigay nyo sa amin..
----Salamat sa buhay---