Sa Pagsibol ng Bukang Liwayway….



Sikat ng araw sa maghapon,
Dalay hinagpis ng panahon.
Pagod sa maghapon’y banaag
Kamay at paa’ng hinamon ang panagalan.

Hindi man alintaan sa bukas ng mga labi
Ngunit makikita ang hirap na ang mga bisig
Ako’y umaasang ang pagod ay makubli
Sapakat itong hirap ay hindi mawari.

Gusto kung huminga ng malalim
Sapagkat, itong balikat ay ubod ng lalim
Nais kung magpatangay sa agos ng tubig sa batis
Upang makamtan ang ginhawang nais.


At sa paglubog ng araw sa dalampasigan
Daloy ng tubig na nakasanayan
Ang hagod at uyaye ng hangin amihan
Ito na’y makakamtan.

Sa paglubog ni haring araw
Ang pagod at hirap ay sandaling iiwan
Katahimi ka’y makakamtan
At mabubuo ang panibagong pangarap.
 
Sa pagsikat ni haring araw sa silangan
Dalay nito’y  puno ng malalalim na pangarap
Hagod ang panibagong bukas sa takip silim
At sa pagsibol ng bagong bukang liwayway.